Saturday, March 31, 2012

Mr. Insignificant

A Man,
He is a man alone.
A Man
He is a Man,
Sometimes funny, yet sometimes
Annoying.

He is a Preacher,
Yes He is A Teacher,
Wise with his thoughts
His thoughts are wise
Simple yet logically correct.

He is funny.
Truly funny, in very simple.
Simple ways

But sometimes,
There are times.
I hated him
I hate him
Because his words
His words hurts a lot

I don't know
It is said with a concern heart
But spoken with miserability.

Sometimes I know you
I knew your ways
The reason why you shout
The reason behind why.
You wanted to make people cry.

But sometimes
There are times
You sound so crazy-insane
Insignificant; hard to understand

Always mean something,
and that is him
Mr. Insignificant
Simple man, man alone
Sometimes funny yet annoying
But always a great person
I ought to know.


Confessions Of A Child

I am a Child, A child Alone,
A child who is weak, cannot stand alone.
A child that can never last a day without a frown
A child in vain, A child in need of a caring heart.

I cannot always stand for what I believed  in
But rather kept my head down, lying in
I cannot always speak for what I desired
That the pain I always feel become a burning fire.

I am a child so weak
I am just a child who's too young enough
Young enough to understand things on perspective
Can never decide for what is right on my own

But I'm just a child who own a dream
A dream that thy heart keeps on telling
A dream that the mind screams
That's why I keep on trying  though a lot of times 
I fall by the way.

I'm just a child who follows what they want
Who follows what good they desired
Not knowing that sometimes it kills so much
I don't  know why but it feels that way.

I'm just a child who follows what they want
Who follows what good they desired 
Not knowing that sometimes it hurt's so much

I'm just a child, as what they treat me
A child protected, and taken care of
But a child with a desire that is unspoken
Cause' they thought that what I THOUGHT was just nothing.


Sunday, March 11, 2012

Katalinhagaan ng isang Guro


 Hindi lubos mawari ng isipan ang mabilis na pagtakbo ng panahon, hindi 


namalayang ang bawat segundo ay naging minutong nagdaan, naging oras na lumipas na binawi ng mga araw at dinatnan ng buwan.

  Hindi namalayang ang mga masasayang araw ay magiging bahagi na lamang ng alaala, isang kwentong kapupulutan ng kariktan ng isang makulay na buhay.

  Nagsisimula ang lahat ng taong matatayog na ang lipad ngayon sa pagiging tulad ng isang inakay, na tila kailangang alagaan, gabayan at turuang lumipad, mga inakay na nangangailangan din ng mga mapagkalingang kamay na handang umalalay sa pagkadapa at pagkasadlak sa lupa gayun din sa kasagsagan ng paglinang ng kakayahan at pagtuklas sa magulo ngunit makulay na mundong sa kanila’y sumasaklaw.

 Tulad ng inakay; mumunting ibon ay waring mga  estudyante na sa kamusmusan ay namulat, estudyanteng nagsisismula pa lamang sa pagkilala ng sarili, nagahahanap ng kasagutan sa mga katanungang nag-uugat sa masidhing nais na matugunan ang kauhawan sa kaalaman; tulad ng isang inakay ding kailangang pangalagaan, bigyan ng di lamang kaalamang tutugon sa mental na kaisipan kundi pati na rin pag-aarugang magiging gabay sa unti-unting pagtayo sa pagkakadapa, sa pagkakamali at higit sa lahat upang matutong lumipad at maglayag sa mundo na may pangarap at kagandahang asal.
   Sa murang kaisipan, sa batang isipan; maraming tanong ang nababalot at nawawari kapag naririnig ang salitang “Guro”. Sa batang kaisipan, ang salitang iyon ay talinhaga, magulo; hindi lubos mawari kung ano ang tiyak na deskripsyon.


 Sa pagkakaalam noong mga unang araw ay kapag nasabing “Guro” ay isa lamang ang katumbas na salitang maidurugtong ito ay “Teacher” sa wikang Ingles, simple at napakahulugan ang salitang iyon ng isa pang salita ngunit  sa murag isipan din wari pang naguguluhan, sa pagbibigay-kahulugan sa talinhangang salita sa pamammagitan ng isa pang salitang waring wala namang katiyakan ang kahulugan.
  Hindi ba magulo? Oo magulo, tulad ng buhay sapgkat maraming tanong ang tao, kapag binigyan mo naman ng kasagutan ay hindi pa rin tuwirang makukuntento sa halip ay mas lalo pang magtatanong, maghahangad ng ksagutang ika-nga sa matematika ay may “Proof”, o yaon bang mga bagay na saka lamang tuwirang mapakakahuluganan kapag  naranasan o nadama, sa madaling sabi’y naging bahagi na ng buhay  at nag-iwan ng marka: aral at kabuluhan.


 Marahil ang yaring pagpapahayag ay tila nagiging talinhagang tunay na rin na ang tanging layunin lamang ay magpahayag ng isang magandang kwento sa pamamagitan ng pagsulat ng isang Akda.
 Nais din sanang inyong unawain ang mga palsipikadong linyang katatagpuan sa  akdang nailimbag, iyon ay sinadyang lubos sapagkat ang akdang naisulat ay ang unang kathang binigyang buhay sa pag-susulat ng isang maikling kwento.
 Ang Hubad na pagkakasalaysay ng akdang iyon din ay larawan ng pagsisimulang tuklasin ang kakayahan at kalinangan sa pagsulat.
 Ang nakakatuwang mga palsipikadong linyang matatagpuan sa akda ay simbolo ng makulay na karanasan na sa masining na paraa’y niliwanagan ng imahinasyon na siya namang tuwirang nagsasalaysay ng ideya ng buhay.


Si MRS. SMITh               

  Sa pagbibihis ng panahon ay unti-unti na rin yatang nagbibihis ang mundo. Habang ang mundo’y nagbibihis ay unti-unti na ring nagbabago ang paligid, gayon din ang ugali ng bawat isa, gayundin ang pananaw sa mundo ngunit bawat pagbabago ay maari din namang magdulot ng maganda sa bawat buhay ngunit madalas ay nagiging masama pa rin ito ngunit ito’y may maganda pa ring dulot.
   Masungit at mukang mataray, iyan ang deskripsyon sa isang gurong nagngangalang Mrs. Smith kapag una pa lamang siyang nasilayan  ng mga estudyante, ngunit kabaligtaran ng gayong deskripsyon ang pagkakakilanlan sa kanya ng mga kapwa guro;
 Palangiti, mabait at masayahin ang kanilang pagkakakilanlan sa kanya.
  Unang araw noon ng pasukan sa paaralang Ashford Academy at ikalawang taon na sa highschool ng isang mag-aaral na nagngangalang Maria. Naninibago pa’t tila napadpad sa isang lugar na di niya kilala, ang bata, Siya pala’y nagmula sa U.S.A. sa malayong lugar. Dahan-dahan niyang tinungo ang matarik na hagdan tungo sa kanyang klase, ng marating ang kanyang silid-aralan; ito ay malawak at tila munting palaruan at naroon ang kanyang magiging mga kamag-aral, marahan siyang umupo sa unahan, tahimik na mga nagsi-siusap ang lahat ng naroon sa silid maliban sa kanyang tahimik na nagmamasid sa buong silid hanggang sa marinig ang mahina ngunit tila malakas na yabag ng mga paa na tila paakyat sa hagdan, hanggang sa dumating ang isang babaeng may mukhang lagi ng nakangiti at yaon pala ang kanilang magiging tagapayo.
  Tumungo siya sa harapan at masayang nakipag-usap sa mga estudyante na tila halos kilala na niya ang lahat maliban sa mga bagong mukhang di pa niya nasisilayan kaya’t inatasan niya ang mga iyon na magsalaysay ng kaunti ukol sa kanilang sarili.
  Isa sa mga iyon ay si Maria, Nagpakilala siya sa harap at sandaling nagsalaysay ng bahagya ukol sa kanyang sarili na tila puno ng kaba at matapos ang ilang saglit ay natapos na ang unang araw ng klase ng gayon kabilis at lahat na ay nagsiuwi maliban kay Maria na dahan-dahang lumabas ng paaralan at tila di alam kung saan tutungo hanggang sa may pamilyar na mukhang nagturo sa kanya ng daan papalabas at yaon pala ang kanyang tagapayo. Sa kalagitnaan ng daan ay nais niya sanang tanungin ang kanyang pangalan ngunit huli na ng malaman niya, naroon na siya sa kanyang patutunguhan at doon na nagkahiwalay  ang kanilang landas.
 Kinabukasan ay tila naging maayos na ang kanyang pakiramdam sapagkat hindi na siya nakadadama ng kaba at nakikipagkilala na sa mga kamag-aral at noong araw ding iyon ay naitanong niya sa kapwa mag-aaral ang ngalan ng kanilang tagapayo at yaon pala’y si Mrs. Smith na guro nila sa Edukasyon sa Pagpapahalaga  at  Filipino.
 Lumipas ang mga araw ng di niya namamalayan at naging mas palakaibigan siya at aktibo sa klase, lalo na sa kanyang mga paboritong asignatura hanggang sa dumating ang araw ng eleksiyon at siya’y nailuklok na pinuno ng klase na hindi niya inaasahan.
  Sa una’y naging madali sa kanya ang pamumuno na parang isang simpleng laro lamang ngunit habang lumilipas ang panahon ay naging mahirap  sa kanya ang tungkuling naiatas, masyado niya itong sineryoso kaya’t dumating na siya sa panahong sukdlan na ang hirap na kanyang nararanasan sa pamumuno ng klaseng napakahirap pamumuan at pati na ang kanyang pag-aaral sa mga pagsusuit ay kanya ng nalilimutan at napababayaan hanggang sa dumating na nag resuta ng kanyang mga pagsusulit ; hindi kagandahan ang resulta ng mga iyon.

 Ng malaman  niyon ni Mrs. Smith ay agad niya itong kinausap sapagkat lubos siyang di makapaniwala sa resulta ng mga iyon sapagkat alam niyang siya ay matalino’t masipag na mag-aaral.
  Marahan niyang kinausap ang bata ngunit wala siyang maisagot kundi ang tangis ng kanyang luhang mayabong na lumagaslas sa kanyang mga mata’t sa mukhang di makitaan ng ngiti, hindi man niya sabihin ang problema’y tila alam na ni Mrs. Smith ang solusyong dapat niyang gawin, kaya’t marahan niyang pinawi ang mg aluha sa mga mata ng isang lumuluhang anghel at nagwikang “wag ka ng umiyak” marahang hinagod ang likod ng bata habang paakyat ng hagdan patugo sa klase.
  Nadatnan ni Mrs. Smith na magulo at maingay ang klase na tila nagde-debate sa hindi malamang bagay.
  Sa sandaling narinig ng mga iyon ang yabag ng mga paa ng kanilang guro ay nagmamadaling nag-siupo ang mga iyon sa kani-kanilang mga upuan habang minamasdan ang dumarating na guro na tila may mukhang galit kasunod naman ang tila lumuluhang bata na dahan-dahang naupo habang si Mrs. Smith ay tumungo sa harap at tila galit na nagwika ngunit walang maisagot ang mga estudyante at noong mga sandaling iyon ang buong silid ay napuno ng katahimikan, walang madinig na kahit ano kundi ang malakas na boses niyang tila nangangalit na nangngaral sa sa kanyang nga estudyante kaya’t natapos ang halos isang oras na dapat sana’y oras ng klase at hanggang sa huling sandali’y hindi nila nasilayan ang ngiti sa kanyang mukha.
  Matapos ang kanilang klase’y muli na namang nag-ingay ang buong klase na tila hindi napangaralan ng kanilang guro, habang si Mrs. Smith naman a y tila nagsisimula na yatang mamroblema sa kanyang mga estudyante habang si Maria ang sinisisi ng mga kamag-aral sa pagkakasermon ni Mrs. Smith.
 Isang araw ay napagisip-isip niyang parang may mali sa kanyang pamumuno at yaon ang pagsaway niya sa maling gawa ng kanyang mga mag-aaral hanggang sa dumating sa puntong hindi na niya ginampanan ang tungkulin.
 Lumipas ang mga araw ngunit hindi pa rin iyon napapansin ng butihing guro at halos araw-araw na papasok siya sa kanyang klase ay puro ingay ang kanyang dinadatnan at habang siya’y nagtuturo ay tila wala namang nakikinig at sa kanyang mga mata ay mababakas ang mga luhang pigil sa pagtulo.
  Kahit na nasasaktan na, tanging nais ni Mrs. Smith ay magturo lamang at matuto ang kanyang mga estudyante at tanging bagay na nagpapalakas ng kanyang loob ay ang estudyanteng lagi ng nakikinig sa kanyang itinuturo kahit na halos lahat sa silid na iyon  ay di nakikinig; ngunit ang tanging estudyanteng iyon ay tuluyan na yatang nawala at naging isa sa mga  iyonna hindi nakikinig sa kanyang klase na lubos ng nakasakit sa knayang damdamin at hindi  na niya napigilan ang luha na lumagaslas sa mga matang nakitaan ng puno ng pagdaramdam.

 Ng naga oras na iyon ay wala man lang pumawi sa kanyang mga luha kahit na ang batang minsang pinawi niya ang luha.
  Lumipas ang mga araw  na ganoon lagi ang senaryong makikita sa mukha ng gurong si Mrs. Smith, minsan ay nakita niyang muling nag-iisa si Maria na tila nalulungkot at umiiyak, muli ay kanya itong nilapitan at nagwikang “May problema ba?”  tumango ang bata’t  ipinakitang muli ang mababang marka sa pagsusulit.
  “Huwag mong damdamin ang mga iyon, ikaw lamang ang maapektuhan” Nagwika ang guro, muling lumagaslas ang luha sa mukha ng bata at nagwikang “Patawad po Mam” At marahang niyakaop ng guro angumiiyakna bataat nagwikang
   “Alam ko na ikaw pa rin ang batang una kong nasilayang lumuluha, tanging nais ko lamang ay maging gabay , magturo. Magbigay kaalaman, kahit nalalaman kong ang propesyong ito’y mahirap, basta’t masilayan ko lamang na sa simpleng kaparaana’y naging bahagi ako ng buhay ng isang estudyanteng hinuhubog upang magtagumpay”. At ang luha sa kanyang mga mata ay napalitan na ng ngiti, ang ngiting nasilayan ng unang siya’y makilala ni Maria at sa mga sandaling iyo’y nabago ang tingin niya sa gurong tagapayo.


  Ang kwentong iyon ni Maria, ay kwento ng kanyang naging Guro.
  Ang guro na salitang sa mga unang araw ay sa kanya’y talinhaga, ang gurong iyon ang nagbigay sa kanya ng tiyak na kahulugan sa salitang marahil ay madalas naman niyang nakasasalamuha at naririnig ngunit tila ang kahalagaha’y tila hindi nadarama.
  Sa mga panahong iyon ng paglagi niya sa isang simpleng lugar, simpleng lugar na kung iisipi’y sa simula’y di niya napapansin ay siyang sa kanya’y naging lugar ng mahalaga; nag-iwan sa kanyang puso ng kulay, nagmarka at sa twina’y sa mga darating na panahon pa’y magiging bakas ng alaala.
  Alaalang, tulad ng isang larawan, lipasan man ng panahon ay siyang di-kukupas.
  Maglaho man ang kulay, magbago man ang mundo, ang paligid, ang kasaysayan niyon ay mananatiling wagas sa akda ng buhay na naisulat.

 Ang buhay; isang akdang hindi mawari ang katapusan, may mga tagpong hindi inaasahan, may mga karakter na hindi inaasahang may malaking gagampanan sa paghubog ng sarili at sa twina’y nagbigay kariktan at kahalagahan.
 Sa gayong pagtatapos ng isang bahagi ng akda ng kanyang buhay, magbubukas ang panibagong yugto, panibagong mga mukha ang sa kanya’y sisilay, mga bagong karakter at pakikipagsapalaran upang makamit ang tagumpay na ninanais ng puso ngunit hindi kailanman iwawaksi ang nakaraang kwentong kinapulutan niya ng aral.
  Ang Guro; ang salitang talinhangang iyon, sa paglipas ng mga araw, buwan marahil, panahon ay nabigyan niya ng panibagong kahulugan.
  Kahulugang sa twina’y hindi na hahanapan pa ng mas malawak na paliwanag kundi isang simpleng salita lamang na tutugon.

 Si Mrs. Smith, larawan ng isang mapagkalingang kamay, tagapanday ng isang mumunting mga inakay.
  Si Mrs. Smith, larawan ng salitang mapagpasensiya, mapagtimpi.
  Si Mrs. Smith din ay tinig na nakakatuwang pakinggan, pinagmumulan ng makukulay na kwento ng buhay, mga aral at minsan pa’y mga birong di lamang nakapagpapangiti ngunit nakakapagpatawa kung minsang nalulumbay.
  Si Mrs. Smith ay tinig na nakakatakot kapag nagagalit, nakapagpapatahimik sa kahit anong ingay, sa kanyang bawat pagkagalit ay katumbas ang pag-aalala sa kanyang mga estudynte, hindi man ninais, kung minsa’y matalim ang bawat niyang salitang nakapagpapaiyak, hindi iyon kanyang intension ngunit kinakailangan upang imulat ang kanilang mga mata sa kung ano ang kamalian.


 Si Mrs. Smith, may panyong laging nakaalay kung luha’y tumulo ng dahil sa pagkabigo, dulot niyang magagandang salita; naghihimok na sa bawat tahakin ay matutong ngumiti at isiping bawat maraanang problema, maliit man o malaki’y laging masusolusyonan kung matututong sa sarili’y magtiwala.
  Si Mrs. Smith na nagturong dapat ay maging mapagkumbaba, at laging pasasalamat ang sambitin sa maykapal.
  Iyan siya. Ang kinikilalang Mrs. Smith ng batang si Maria,
  Si Mrs. Smith, kung tatanungin kung siya’y sino.
 Isang salita lamang ang sagot;
   GURO, siya’y isang guro.
Guro; ang salitang iyon, ang talinhagang salitang iyon na pilit hinahanapan ng kahulugan.



 Ang salitang iyon, na sa mga unang araw ay pilit hindi mapakahuluganan, ngunit sa ngayong panaho’y siya ng naintindihan.
 Sa panahong ngayon, sa simpleng salita nalaman ang tiyak na kahulugan niyon.
 Sagot sa katanungan ng talinhangang salita’y hindi na naghahangad pa ng malawak na paliwanag, sapagkat sapat na ang panahong nilagi sa paaralan uapang matutunan ang kahulugan ng salitang iyon, Sa kwentong iyon ni Mrs. Smith na siyang kwento ni Maria,  nalaman ang kahulugan.
 Sa tunay na buhay, si Mrs. Smith, isang simpleng simbolo ng mga guro.
  Mga simpleng guro sa paarlan, na siyang may busilak na puso, may pagmamahal na tapat sa karunungan na siyang nais niyang ibahagi.
 Iba-iba man sila, ang kanilang ugali, kanilang pamamaraan sa iisang layunin sila’y nagkakaisa.
Pinagbubuklod ng isang tanging layunin.
 Guro; naging bahagi na ng buhay ng bawat isa.
  Ang Guro;
Isang salitang sa mga unang araw ay talinhaga ngunit sa panahong ngayo’y nabigyan ng isang simpleng kahulugan.
 Tunay na kahulugan sapagkat ito’y naging bahagi na ng buhay.
 Kahulugang ika nga sa Matematika’y may “Proof” na.
 Sa pilit na pagulit-ulit ng mga palsipikadong linya sa prosang ito katatagpuan ang lihim na kahulugan ng salitang iyon
 Salitang marapat na itambal sa salitang iyon.







KAIBIGAN.

Sa pagsasara ng Aklat na ito at pagwawakas ng isang akda, sana’y may magandang alaalang sa inyo’y maibahagi.
Guro; ang salitang iyon na sa twint’y nabigyang kahulugan.
Guro; kundi marahil sa iyong pagtuturo ay sa twina’y hindi malilinang ang kakayahan at talento hindi rin maisusulat ang akdang ito.
Sa muling pagulit-ulit ng mga palsipikadong linya sa aking panulat,
 Sa ngayo’y ang talinhangang salitang iyon na dati’y hindi napakuhulugan ay sa ngayong panahon di’y napahahalagahan.
 Sa mga huling salita’y nais na tuluyang wakasan ang kwentong ito sa isang tuldok;
SALAMAT PO =)

=> SA PANULAT NI; ALYSSa MariE OTEYZA MALOLOT 
                                               "'Maria'


Thursday, March 1, 2012

The Significance of a Written Prose


We all have a voice to be outspoken,
But to talk is too much that words are unspoken.
Feelings had been kept without an action.
While silence covers how someone felt.

I may shout out loud, to create noise.
I may sing a soft tune that touches.
I may either talk too much that I maybe heard,
But truly, no one will hear thy hidden thoughts.

I maybe silent at all times,
I may not speak truly what thy heart felt.
I am with an unspoken language.
Unexpressed emotions with thoughts about the world kept hidden,
Inside thy mind process by heart.

Those thoughts were no longer hidden, those were never had been kept,
For only thy self should understand
But merely shall be express in a manner that
Pleases the world to understand,
To be able to share such ideas
That I found in an enormous world, we live in.



With the use of a pen,
Words are tools written,
Carefully arranged in a narrative,
Defines a series of thoughts,
Played by the rhythm of imagination.


It speaks who you are,
It tells who I am,
And hammered as a creation
 That defines life itself.


Defines our inmost thoughts,
Here written behind the significance of a written prose.