Thursday, February 11, 2010

pagsamo ng isang ina


I.
Anong saklap naman kung isipin
Na ako sayo’y walang halaga
Katanungan , sagot sana’y dinggin
Nais malaman, anong halaga?
II.
Bakit ba ika’y waring masama
Di malaman kung san nagkulang
Wari ba ako’y naging masama?
Ngunit sa payo’y di nagkukulang
III.
Anong sakit itong aking dama
Sa bawat minsang ika’y masaktan
Ngunit itong sakit , di mo dama
Kaya’t puso’y lalong nasasaktan
IV.
Sa tuwing ika’y saki’y malayo
Di maiwasan ang pag-alala
Pagkat sa diwa ko’y ika’y layo
Ngunit sayo’y ito’y sadyang wala
V.
Kalinga ko sayo lamang lagi
Pagmamahal sayo’y kaloob ko
Bakit sukli ay tinik ng pagi
Di mo ba pansin ang kalinga ko
VI.
Alam kong minsa’y may pag-kukulang
Ngunit yao’y pilit pinupunan
Ng pagmamahal na walang kulang
Nais din sana’y iyong suklian
VII.
Hangad ko lagi iyong ligaya
Ngunit di maiwasang tumutol
Pagkat ika’y lapit sa buwaya
Ngunit ikaw laging tumututol
VIII.
Narito ako sayo’y gumabay
At kung may dalahi’y balewala
Pagkat sa kasama’y binibigay
Bakit di sakin? tingin ba’y wala?
IX.
Di lubos maisip ika’y ganyan
Ng magkaisip , isip lumihis
Kay sakit sa puso ika’y ganyan
Di kaya, saki’y ika’y lumihis
X.
Anong saklap naman kung isipin
Na ako sayo’y walang halaga
Katanungan , sagot sana’y dinggin
Nais malaman, anong halaga?

No comments:

Post a Comment