Thursday, March 4, 2010

kaligayahang tunay ay kapayapaang wagas


I.
Sa ating buhay,isa lang tanging hangad,
Kaligayahang tunay na walang hanggan.
Kaligayahan,san nga ba namumungad?
Kay hirap hanapin sa mundong tirahan.
II.
Kaligayan,ikaw ba'y nasa tabi?
Ngunit sa isip, sadyang di ko masabi,
Na ika'y nasa tabi lagi-lagi,
Pagkat dito'y laging may tinik ng pagi.
III.
Sa tagumpay, ikaw ay aking hinanap,
Sa pagsubok,ako'y pilit na sumabak,
Pagkat ika'y nmais mahanap,
Ngunit sa hirap,ako'y lumagpak.
IV.
Sa pera'y di ka naman matatagpuan,
Akala nila'y dun ka masisilayan.
Hahamakin lahat,kahit kasawian,
Upang ginhawa't ligaya'y masilayan.
V.
Sa pamilya natagpuan,kasiyahan,
Kasiyahang animo'y kaligayahan,
Ngunit saya'y iba sa kaligayahan,
Pagkat ligaya'y iba sa kasiyahan.
VI.
Sa mga kaibigan,saya ri'y nakita,
Ngunit saya'y di kawangis ng ligaya,
Pagkat kaibiga'y maralita,
Kayat minsa'y may lumbay at walang saya.
VII.
Dito sa yaring pag-iisip nakita,
Bagay na kinalolooban ng saya,
Kaligayahang tunay nais ipakita,
Bagay na dulot walang hanggang ligaya.
VIII.
Bagay na dito sa mundo ay nawala,
Pagkat ito'y winalang bahala,
Ngayo'y baya'y pilit pinaaalala,
Kapayapaang sati'y sadyang wala.
IX.
Kapayapaa'y kaligayahang wagas,
At di kayang palitan ng kung ano man,
Pagkat sa kapayapaa'y buhay,wagas,
Sa buhay nati'y sadyang may kahulugan

No comments:

Post a Comment