Wednesday, April 7, 2010

bituin sa langit


O kay sarap namang pagmasdan,
Matayog na langit sa dilim,
Munting liwanag ay pagmasdan,
Munti ma'y,liwanag sa dilim.
Pagmasdan,mga munting bituin,
At ang kalungkuta'y pawiin,
Munting bituing,kalat-kalat,
Sa liwanag ay hindi salat.
Malayo ma'y,tila malapit,
Tulad sa taong nalalayo,
Sa paningin ay di mawaglit,
Munting bituin sa malayo.
Bituing layo,tila lapit
Sa paningin ay di mawaglit.

Saturday, April 3, 2010

pusong bato



Ang pusong sakim ay pusong manhid,
Dulot ay sakit na walang patid.
Sa pagmamahal ay nauumid,
Pag nasaktan,parang batong manhid.
Damang sakit,sa puso'y pinukol,
At ng dinamdam ng labis-labis,
Sakit sa puso'y,lalong pinukol,
Ang Galit ay naging labis-labis.
Pagtitiwala,sa puso'y wala,
Pagka't sa sakit,ito'y naglaho.
Turing sa lahat ay sadyang wala,
Sa puso'y may sakit,di maglaho.
Batong kay tigas,tawag sa puso,
Pusong naging manhid sa pasakit.