Ang pusong sakim ay pusong manhid,
Dulot ay sakit na walang patid.
Sa pagmamahal ay nauumid,
Pag nasaktan,parang batong manhid.
Damang sakit,sa puso'y pinukol,
At ng dinamdam ng labis-labis,
Sakit sa puso'y,lalong pinukol,
Ang Galit ay naging labis-labis.
Pagtitiwala,sa puso'y wala,
Pagka't sa sakit,ito'y naglaho.
Turing sa lahat ay sadyang wala,
Sa puso'y may sakit,di maglaho.
Batong kay tigas,tawag sa puso,
Pusong naging manhid sa pasakit.
No comments:
Post a Comment