Monday, March 29, 2010

munting pangarap



I.
Nais kong lumipad,sa langit na kay tayog,
At doon ay maglayag,sa sikat ng araw.
Nais kong maabot ang ulap na matayog,
At doon ay maglaro sa sikat ng araw.
II.
Nais kong maabot ang rurok ng mga bundok,
At doon masilayan,ganda nitong mundo.
Kung saan,siyang liwanag ay nasa rurok,
At doon,masilayan ganda nitong mundo.
III.
Nais kong maabot,rurok ng tagumpay,
At di maathim,lungkot na walang saysay.
Nais ko ay wala ng samong walang humpay,
Bawat pangarap,dito ay puno ng saysay.
IV.
Tanging nais,bawat pangarap ay makamtan,
At wala na sanang tao,ang masasaktan,
At sa pagkabigo,ay matutong bumangon,
Pagkat bawat pangarap,kalakip,pag-ahon.

No comments:

Post a Comment