Wednesday, July 14, 2010

Pusong Natatakot

I.
Sa mundo ay laging mayroong dilim na sa liwanag ay tago,
At kung saan ang siyang paligid,siyang puno ng pag-ibig.
Ang mundo ay payapa't masaya,ang lunkot ay nagtatago,
Kasayahan,unawaan,pagtutulungan,ay ang pag-ibig!
II.
Bawat puso ay may kaukulang emosyon na tinataglay,
Mayrong taglay ay kasiyahan,na lagi ng nasisilayan.
Dulot ng pusong yao'y kulay sa mundo,pag-alis ng lumbay!
At ang mundong ginagalawan niya'y puno ng kagalakan.
III.
Mayroon ding pusong dulot ay pag-asa,na siyang may liwanag,
Sa bawat suliranin ang kanyang dulot ay mga paliwanag.
Mga paliwanag na ang patungo ay sa pawang kaayusan,
Ngunit sa isang tabi'y may nag-iisa,sadyang nalulumbay.
IV.
Sa lahat siya'y kaiba,pati kanyang sagisag ay iba,
Itim na sagisag ay lumbay at sa loob ay puro sakit,
Yaon pala'y isang pusong natatakot pagka't siya'y iba,
Tiwala niya sa bawat kapwang iba ay sadyang nawala.
V.
Dati'y isa siyang pusong maalaga sa nasasakupan,
Ngunit panaho'y dumating na siya yata'y nakalimutan,
At siya'yparang binalewala atlubos siyang nasaktan,
Kaya't ngayo'y siya'y mayroong sama ng loob sa iba.
VI.
Dahil doo'y may aral na natutunan!na siyang dapat nating pahalagahan,
Na ang kapwa'y dapat pahalagahan at dapat ring ingatan,
At kailanman,dapat alalahanin,sila'y mahalaga.
Ang pagpapahalaga sa kapwa ay sadya ngang mahalaga.





No comments:

Post a Comment