I.
Ng Haring Araw ay nagpasyang baya'y lisanin,
Magandang mga ulap,sa langit ang siyang pansin,
Nitong pilutong ng munting linyang,tawag ulan!
At ang siyang langit ang nais punan.
II.
Isa-isa't,dahan-dahan,sila ay lumipad,
Lumipad sila,hanggang sa langit napadpad,
At Kanilang narating,ang nais na kaulapan,
At tong' munting ulap ay ginawang pahingahan.
III.
Ngunit mga ulap,di sapat para sa mga ulan,
At ang ulap ay nabali't sila'y naglalagan,
At ng ito'y napagtanto ng mga munting kawal,
Pilit silang pinaalis,pagka't ito'y bawal.
IV.
Pagka't ayaw nilang umalis ay nagkagulo,
Malakas na ingay mula langit ay dinig;
Hanggang doon sa mga kalupaang pulu-pulo,
Kulog at Kidlat,ay ang siyang dinig na dinig.
VI.
Kalagitnaan ng gulo ng mayroong dumating,
Natigil ang lahat,pati na ang paparating;
Ang Haring Araw pala ang siyang dumating;
At ang liwanag ay siyang muling nasilayan!
VI.
Ang bahaghari'y nasilayan.bilang isang tanda,
Ng kanilang kasunduan tungo sa mapayapa,
Na sa lupa'y nasisilayan na ubod ng ganda,
At sagisag na may bagong mundong nakahanda!
No comments:
Post a Comment