I.
Ang bayan kong sinilangan,
Mutya't ikinararangal,
Mutya't ikinararangal,
Tong' Pilipinas na bayan,
Aking ikinararangal.
II.
Itong bayan ko'y maunlad,
May ganda,san man mapadpad.
Timog,hanggang sa hilaga,
Sadyang puno ng hiwaga.
III.
O Pilipinas kong bayan,
Kay ganda't sarap pagmasdan.
Kay ganda't sarap pagmasdan.
Sariwang hangi'y nalasap,
Berdeng paligid,kay sarap.
IV.
Ngunit bayan ko'y nagbihis,
Ngunit bayan ko'y nagbihis,
Kapayapaa'y lumihis.
Nagbago na ang kahapon,
Nalugmok sa dapithapon.
V.
Kaunlaran,san' napadpad?
Yaman,ngayo'y nauubos,
Sa kahirapan sumadsad,
Pagka't tayo ay busabos!
V.
Ngayon atin ng pagmasdan,
Ang ating mahal na bayan,
Kahapo'y ating winarak,
Kaya't ngayo'y nasa lusak!
No comments:
Post a Comment